Wednesday, May 8, 2013

Young Love..



"Basahin mo muna"

High School Students:

BOY and GIRL sa waiting shed...


BOY: uy..antagal ko ng nanliligaw sayo ah.. wala ka bang nararamdaman kahit konti para sakin?

GIRL: meron..

BOY: talaga? edi tayo na?

GIRL: ungas!

BOY: bakit?

GIRL: feeling mo ung nararamdaman ko sayo love na?

BOY: eh bakit, ano ba yan?

GIRL: poot!

BOY: (sad face..)

GIRL: joke! haha. eh bawal pa ko mag bf eh..

BOY: so, gusto mo din ako?

GIRL: slight.. <3 <3

BOY: edi sagutin mo na ko!

GIRL: kulit mo din eh noh?
bawal pa nga!

BOY:ahh basta.. pag nakadaan na yung 5 jeep dito satin,
at hindi mo pa ko sinasagot ng oo,
di na kita ulit tatanungin ng ganun..
meaning, no chance ng maging tayo kahit love parin kita..

GIRL: andaya!!

BOY: ayun jeep! 1!
ayun pa..
2!

GIRL: aw.. andaya mo..

BOY: 3!
oopps.. 4 jeeps na!
last 1..

GIRL: sige na nga!
tayo na!

BOY: yes!!
promise, di ka magsisisi..

GIRL: <3 <3


Malapit na silang mag 1year
kaso, hindi opisyal..

BF: hon, sana maging legal na tayo..

GF: nako.. papatayin ako ng nanay ko pag nagkataon..

BF: please......

GF: please din...
kung mahal mo talaga ko, makukuntento ka sa kung ano
meron tayo ngayon..

BF: mahal nga kita, kaya gusto ko legal tayo..


One night, pumunta si boy sa bahay ni girl..
Gumawa ng eksena!
Patay kang bata ka!

BOY: magandang gabi po..

NANAY: sino sila?

BOY: ahm.. ano po..
bf po ng anak nyo..

NANAY: ano??!
(tinawag ang anak)  (then)
hoy bata ka!
sino nagsabi sa'yong magbf ka kagad ahh?!
tigas talaga ng ulo mo nog?!!

GIRL: pero nay..
mabait po sya.. iba sya sa lahat..
(sabay hawak sa kamay ni boy)
at mahal ko po sya..

NANAY: ang mahal mahal?
keh bata mo pa mahal kagad?
pasok sa kwarto! ngayon na!!!

GIRL: (pumasok sa kwarto umiiyak..)

BOY: please po..
wala po kaming gngwang masama..

NANAY: sa ngayon, wala!
eh bukas?? sa makalawa??
sa isang ligo??
samuka mong yan, siguradong mapapariwara anak ko
sa'yo!!
layas!!

at wag mo ng kakausapin anak ko!


Pagkatapos nun, hatid sundo na si girl sa school..
Wala na din syang cellphone..
Laptop..
Pero buti sa loob ng school, walang sagabal..
Dalawang buwan na din ang mabilis na lumipas..  Sa hallway, magkausap sila..


GF: wala, bantay sarado ko, buti sa loob maluwag
tayo..

BF: 'di ko inexpect na ganun pala kahigpit nanay mo..

GF: ang kulit mo kasi eh.. sabi ko sato sayo diba.. makuntento
ka!

BF: sorry.. pano yan.. bukas, sabado, anniversary na natin..
'di tayo makakapagcelebrate?

GF: ako bahala..
magdadahilan akong may group project..

BF: di ka mahahalata?

GF: ang alam nila wala na tayo.. basta bukas sa SM na lang 9am..


Kinabukasan, ayos ang plano ni girl..
Nagkita sila ng 9am
Nagpakasana:
kumain,
nagvideoke,
nag sine, atbp.. Sinulit ang araw na  para bang yun na ang huli..


BF: salamat, nagenjoy ako, sobra..

GF: i love you..
happy anniversary..

BF: mas mahal kita..

GF: (nagbigay ng kiss sa boy)

BF: ikaw lang ang mamahalin ko.. tulad ng sabi ko dati, hinding hindi ka magsisisi.. pangako..

GF: alam ko.. alam ko..
san na tayo?

BF: uuwi na.. hatid na kita..

GF: maaga pa, 5pm pa lang.. senyo muna tayo, kamustahin ko si bunso..

BF: ahh sige.. miss ka na nga nung kapatis kong un.. 6pm.. dumating sila sa bahay nila boy..

BOY: upo ka muna, kuha lang ako tubig sa red.. Ng pakuha na ng tubig si boy, napansin nyang may note:
"Dadalaw muna kami sa lolo mo, may sakit. Bukas pa
 kami uuwi.. maglito ka na lang. Ingat.."
BF: nako.. wala pala sila mommy nakela lolo.. tara hatid na
kita..

GF: no.. lumapit si girl kay boy. Kiss him, hard..

BF: (pinigil si girl)
wait.. hon.. anong ginagawa mo?

GF: I want this..
no..
i NEED this..

BF: are you serious?

GF: yes.. happy anniversary.. Sa sobrang pagmamahal ni girl kay boy, nangyari na nga..
They make love..
Then, natapos sila..

BF: tara na, ihahatid na kita..

GF: thank you..

BF: salamat din, sa tiwala..
sa pagmamahal.. AFter not so many months, di snasadyang may masamang
nangyari..


Sa school..

GF: may nangyari..

BF: hah? ano?

GF: buntis ako..

BF: ano?!

GF: di pa alam nila mama.. (crying)

BF: (walang imik)

GF: papanindigan mo ba toh?

BF: (wala pa ding imik..)

GF: ano?!

BF: 4th yr hskul pa lang tayo.. madami pa kong
pangarap.. pag nagkataon, pareho tayong di
makakagraduate..

GF: kala ko ba mahal mo ko?!

BF: 1 week nalang before graduation..
'di nila toh malalaman..
dapat wala munang makaalam..

GF: okay.. i love you...


After the graduation..
Si boy, nawalang parang bula..
Di na nagpakita kay girl after the ceremony..
Wala na lang ibang nagawa si girl kundi humagulgol..
Nakita sya ng best friend nya..

BEST: uy best, o.a. naman ng iyak mo..
ayos ka lang?

GIRL: sabi nya, hindi ako magsisisi..

T.T Depress si girl..
'Di nya alam ang gagawin..
Takot..
Kaya ang naisip na lang nyang gawin,
ABORTION.. After a month, mag isa nyang pinalaglag ang walang
kamuwang muwang na bata..

Then, after a week, si boy, pumunta sa bahay nila girl..
Sakto nasa gate si girl.
Balisa..
Lupaypay..

BOY: hon, sorry..
di na ko nakapagpaalam..
si lolo kasi, namatay, nung gabi ng graduation..
handa na ko panindigan yan..
ano, how's our baby? </3

No comments:

Post a Comment